Katatapos ko lang panoorin yung Inception. Oo, ngayon ko lang napanood. :P Tapos sinearch ko pa sa Google kung tama pagkakaintindi ko. Ayun, okay naman. Haha! Parang lahat nalang ginuGoogle ko. Ang galing ko ngang stalker, eh. >:) Hahaha! Hala ka, baka ikaw yon… :P Kausap ko nanaman sarili ko. Bakit ba. :) Tagal ko na palang walang post dito, mga ilang buwan na rin. Pero lagi akong nagtTumblr, tingin tingin lang. Stalker talaga? Hahaha! JK. Tingin lang o kaya like ng mga nirereblog. :D
O, balik tayo sa Google. Ayun nga. Kung ano lang maisip ko ginuGoogle ko na. Dami ko ngang natututunan e. Kahit mga wala lang. Tapos nalilimutan ko rin. Hahaha! Basta dagdag kaalaman lang. :P Meganon? Tulad ngayon, “naGoogle” ko na dati kung sino gumawa ng Google kaso nalimutan ko na kaya iguGoogle ko nalang ulit. Kundi dahil sakanila hindi natin makikita ng malinaw yung ilalim ng mga pool/dagat pag nagsswimming tayo. Weh. Hahaha! Okay, goggles pala yon.
Pero hindi lahat nahahanap sa Google. Tulad ng true love and happiness. Harhar. Joke lang. Di lahat ng sinesearch ko meron. Pero bihira lang, wala nga kong maalalang sinearch ko tapos wala. Haha! Pero basta, meron. :)) Pag ganun iba nalang issearch ko kaya malilimutan ko na yung walang sagot. Haha. O diba. Sa isang click, mapupunta ka na sa (thinking of a word that rhymes with click) itik? pitik? ay lintik! Weh. Haha! :P Basta marami ka nang malalaman at maiisip. :))
Moving on… Yes, English. Ayun. The End. Joke lang! Masasabihan tayo ni Sir Carlo ng sikat nyang “However…” pag di maayos ang ending. Speech ‘to? :)) Okay. Ayun. Nabilang mo ba kung ilang beses ako nag “okay” “ayun” at “weh”? Haha! Basta, salamat sa Google at may nagagawa ako pag walang magawa. Nalalaman ko ang mga bagay na hindi ko alam dati at alam ko na ngayon kaso di ko alam noon kaya now I know kasi dati hindi. Hahahaha! Ang saya nun, ah. Yun lang. I would like to thank Mr.Google and his friends for my goggles. Weh. Thank you! :))
Sabi nila, bagay daw ako magblog. Ano ba yun? Paano ba yun nalalaman....