May nagtanong sa’kin sa Formspring, “Ang dali ng math. Tama o Mali?”
Sabi ko…
“Anak ng tinapa. Ngayon mo ‘ko tatanungin kung kelan malapit na 4th LE namin sa Math at konti pa lang naaaral ko. Alam mo ba kung gaano ako katagal umiyak noon dahil sa Math 17?! At kung gaano kastressful ang Math 53?! Kung gaano nakakaasar kasi ang dali dali nito para kay Paolo Joven. Hahahaha! Joke lang Pao. :)) Pero totoo na madali para sa kanya yung Math nila ngayon, Math 63. :P Okay.
Naiisip ko, paano kaya kung sa ibang prof kami napunta. Kung yung totoong prof namin yung prof namin ngayon. Guni-guni lang kasi namin si Sir Kennett Dela Rosa. Chos. Hahaha! Basta, magulo CRS eh. Di dapat sya yung prof namin. Pero okay na rin ako sa mahirap magpaexam kesa sa… Alam na. (For G6 and Julian. =)) )
Ano kaya kinabukasan ko sa Math? Magagamit ko ba to sa magiging trabaho ko. Malamang. :)) Paano kaya kung yung course ko, hindi kailangan ng Math? Wala pa kaming majors, pa’no pag meron na? Di pa nagsisimula sa’min ang Physics series, pa’no pag meron na? Bakit may kasunod na Math 54 at 55 pa? Bakit may ES 11, 12, 13? May sasagot, ‘Eh, di magshift ka!!!’ Ayoko nga. Ang hirap kaya. Hahaha! Para sa lahat na tulad ko, kakayanin natin to! :))
Sa sinasabi nilang 12% lang ng isang batch ang gumagraduate sa’min on time sa eng’g. I pray. Hahay. Sana po kasama ako sa 12%.”
Pero syempre di yan yung sinabi ko sa Formspring. Ang haba naman. :))
Sabi nila, bagay daw ako magblog. Ano ba yun? Paano ba yun nalalaman....