♬Pa-Pan Americano!♬♩
Mali ata yan, pero ganyan pagkakarinig ko eh. Hahaha!
Setting: Sa bandang garahe.
Daddy: Anak, ‘lika kunin mo na ‘tong mga damit. Tuyo na.
Ako: Okay. :D
Ang dami nung mga damit. Ang taas na nung pile na nasa kanang balikat ko.
Ako: Dad dito naman sa kabila, ang taas na eh.
Lumapit si Kuya Mike…
Kuya: ♬Pa pan americano!♬
Dahil na-LSS ako, kinanta ko rin… (Naglalakad na kami papunta sa loob.)
Ako: ♬Pa pan americano. Tentententen … WOAH!
NALAGLAG YUNG MGA DAMIT! (Yung iba lang naman.) Medyo dumadance moves kasi ko. =)) Eh may basa na konti sa garahe. SILENCE. Nakatingin lang kami sa mga damit; Di ko alam pa’no magrereact kasi mukang magagalit si Daddy.
…
Kuya: Pa pan americano! Hahahahaha!
Ako: Hahahaha! Daddy, sorry! I’m so sorry! :))
Daddy: Ikaw kasi! Pan americano ka diyan. Pano na yan, hindi ka pa naman marunong maglaba.
Ako: Sorryyy! Hahaha! Samahan mo ko sa tindahan, Kuya. :))
Parang di natuloy galit ni Daddy kasi tawa kami ng tawa ni Kuya. Pagbalik namin galing sa tindahan binigyan ko si Daddy ng polvoron.
Natatawa pa rin ako kasi naaalala ko yung “moment” na nalaglag yung mga damit.
Ako: Dad, this is for you. Hahaha!
Dad: Loka loka, inuuto mo lang ako.
Pero kinuha naman nya yung polvoron. Nung tiniklop ko yung mga damit wala namang nadumihan, nabasa lang yung isang pambahay ko na shorts. :| :)) Ayun. Yun na yon. Hahaha!
Eto yung kanta. :P
http://www.youtube.com/watch?v=a0r0jznFjA8&feature=related