Langgam
Matagal na ding palaisipan sakin yung mga langgam. Wala akong magawa, nagsearch ako tungkol sa mga langgam. :D Haha! Eto ilan sa nalaman ko:
*Wala silang lungs. (Astig) Dumadaan lang daw sa maliliit na butas sa katawan nila yung Oxygen.
*Ang kanilang average life span ay 45-60 days lang. (Nung grade 3 ako, umiyak ako kasi pinatay ng kaklase ko yung langgam. Hahahaha! Memories.)
*Sila daw may pinakamalaking utak sa lahat ng insekto. (Gaano kaya kalaki yun? Hehe)
*Meron palang halos 20,000 species ng langgam. (Mga 4 palang ata dun nakita ko.)
*Dalawa tiyan nila. (Yung isa, para sakanila. Yung isa, para may i-share. Mabait.)
*Yung iba sa kanila ay nakakatulog ng halos 7 hours sa isang araw. (Tatangkad pa ba sila? Weh. :)) )
Pero kahit na nabasa ko na yung ilan sa mga tanong ko tungkol sa langgam, may mga tanong pa din naman ako.
- May mga mata sila. Pero sa liit nila tapos sa laki ng paligid, nakikita pa kaya nila yung buong itsura ng mga malalaking bagay?
- Ang sakit nila mangagat. Pano kung lumaki sila ng bonggang bongga? Haha. Parang magiging next generation sila ng dinosaurs. :))
