Nicole Sarthou June 30 UP-D
Twitter Tumblr Ask Formspring OH, SNAP!
Tags: | Alam mo ba? | Kalokohan | Kwentong Buhay |
| Kwentong Bahay/Pamilya♥ | Movies | Picture | School |
  • Si Pinkaw

    Sa lahat ng mga kwento na nabasa namin sa Pluma IV, yung kwento ni Pinkaw ang pinakanaaalala ko… Wala lang. Hahaha!

    “Si Pinkaw” ay kwento ng isang baliw na ang pangalan ay Pinkaw. (Hindi naman masyadong obvious.) Maganda yun! Lalo nung inexplain pa ni Ginoo na lahat pala halos ng suot ni Pinkaw may ibig sabihin. Gusto mo ba mabasa storya ni Pinkaw? Eto oh -> *Click!   :D

    May mga natandaan ako sa itsura ni Pinkaw:

    • Madungis.
    • May karga siyang baby na lata pala ng biskwit.
    • Pulang papel de hapon na nakatali sa isang binti.
    • Nakakaladkad na lata.
    • At siyempre yung korona niya.

    Di ko na maalala yung iba. Para mas madali, eto nalang.

    Nung last day ng 4th quarterly exams (4th year)…

    Hey, kids! It’s time to meet and greet Pinkaw!

    Joke lang. Hahaha! Corny ko. Wala kasi kaming ginagawa niyan eh. Di pa kami pinauwi after exams para sa class picture na naka-toga at practice ng play sa Filipino(ata?).

    Antok na antok ako nung bumalik kami sa room. Pero nung naging hyper naman kung anu-ano ginawa. Kaya ang dami kong mukha dun sa isang album ng Affa sa Facebook. Hehe. Pasensiya na. ;)

    Ginawa ko yang profile picture dati sa Facebook. Pero hindi masyadong matagal. Nagmessage kasi Mama ko. Nangamusta lang (wala kasi siya dito) tapos  sabi palitan ko naman daw yung profile pic ko. Hahahaha. :D Bakit kaya?

    #school  

  • 2 years ago
    2Notes