Nicole Sarthou June 30 UP-D
Twitter Tumblr Ask Formspring OH, SNAP!
Tags: | Alam mo ba? | Kalokohan | Kwentong Buhay |
| Kwentong Bahay/Pamilya♥ | Movies | Picture | School |
  • Isigaw ng sabay sabay ang ating pagbaybay, hey! :D

    Parang kailan lang kabadong kabado pa ko bumaba ng sasakyan namin papunta sa unang klase ko. Tapos ngayon.. Ganun pa rin. :D Haha! Joke lang, syempre. Halos mag-dadalawang linggo na din pala ako pumapasok (Parang ang tagal na ng dalawang linggo eh no). Sanay na din kahit pa’no, pero kanina nung PE namin tapos tinuro ulit yung mga cheer, kinilabutan pa din ako. Kahit ramdam na ramdam ko na ang pressure at sobrang antok sa pagbabasa ng napakaraming readings, hindi pa rin pumapasok sa utak ko ng bonggang bongga na college na pala ako. Meganon?! :))

    Kinakabahan ako… Pano kung sobrang hirap? Pano kung… kung… (wala na pala maisip). Hahahaha! Basta! Ang hirap i-explain. Parang ang dami nang nagbago. Tulad nalang ng dati nakakapag-OL ako araw araw. Ngayon, hindi na. :P Ang hirap magadjust. Charing! :)) Nakatulong yung pagkakaron ng block namin na lahat talaga ng klase(maliban sa PE) magkakaklase kami. Nagkaro’n agad ng friends. :)

    Nagkikita pa din kami ng mga Carmelians dun. Lalo nung first day na may concert! :D Sayang lang kulang kami nun.

    (Picture galing kay Deo. :) )

    Tapos minsan sabay sabay kakain o kaya uuwi. Masaya! :D Parang nakakawala sa kung saan bigla pag nagkita-kita na. Hahaha! Tulad kanina, naculture shock ata yung new friends ni Gabo samin nila Dana. :)) Basta, medyo “mahiyain” pa kasi ako sa mga blockmates ko kaya siguro ganun. :P

    Hayuuun. Sana talaga kayanin ko. “Kaya ko ‘to!” Meganon ulit?! Hahaha! Good luck sa ating lahat! :)

    #school  

  • 1 year ago
    3Notes