Halo-halo
Ayoko ng nasestress. Ayoko talaga. Paulit-ulit? Paulit-ulit? Hahaha! Wala lang. Nasestress ako. Inulit pa? :)) Wala namang may gusto ng ganun ‘di ba? :) Ang daming gagawin. Nauubos oras ko kakaisip kung ano gagawin ko. Charing. Haha! Tulooong.
“Tutulungan mo ba kami magbilang? … Bilangin natin ang mga bilbil ni Isel(?). Uno, dos, tres, kwatro. Si Isel ay may kwatrong bilbil.” Hahahaha! Naalala ko bigla si Doray. Nakakawala siya ng stress. Kilala mo si Doray? :D Panoorin mo siya -> *Click!
Si Doray ang inspiration namin na gumawa ng kalokohan kaso hindi matuloy-tuloy kasi busy. Huhu. Pero di naman lagi. Hindi lang nagkakatugma ang mga schedule namin. :P
Balik tayo…
Gumawa lang ako ng text post para magkwento. Yege, MMK.
Ang tagal na pala nung huli akong nagpost dito. Wala lang ulit. Haha! Kilala mo ba si Queen Jokeman? Hello, G6! :D Hahaha! G6 ang aking mahal na block. :) Civil Eng’g nga pala course ko. I’m 17 y/o. June 30 is my special day. Meganon?! Naging slam book? Hahaha! Binansagan ako sa block namin na Queen Jokeman dahil ano… hulaan mo. Haha! Ang hirap lang minsan kasi kahit seryoso ako, kala nila joke pa din. Pero ayos lang. Mahal ko naman sila. :”> Hihi. Arte? :))
Hayuuun. Kailangan ko lang ng konting pampachillax sa isipan. :P
Nga pala! Lapit na ng UPCAT. Good luck sa inyo! :) Kaya niyo yan! Wag na magreview! Walang matutulong yan. Hahaha! Biro lang. Mag-aral ng mabuti. :) Parang heaven yung feeling pag nakita mo yung pangalan mo sa results. Nakakaiyak yun, promise. Para sakin lang naman. Hehe. Basta, galingan niyo! Good luck! :D