Katatapos ko lang panoorin yung Inception. Oo, ngayon ko lang napanood. :P Tapos sinearch ko pa sa Google kung tama pagkakaintindi ko. Ayun, okay naman. Haha! Parang lahat nalang ginuGoogle ko. Ang galing ko ngang stalker, eh. >:) Hahaha! Hala ka, baka ikaw yon… :P Kausap ko nanaman sarili ko. Bakit ba. :) Tagal ko na palang walang post dito, mga ilang buwan na rin. Pero lagi akong nagtTumblr, tingin tingin lang. Stalker talaga? Hahaha! JK. Tingin lang o kaya like ng mga nirereblog. :D
O, balik tayo sa Google. Ayun nga. Kung ano lang maisip ko ginuGoogle ko na. Dami ko ngang natututunan e. Kahit mga wala lang. Tapos nalilimutan ko rin. Hahaha! Basta dagdag kaalaman lang. :P Meganon? Tulad ngayon, “naGoogle” ko na dati kung sino gumawa ng Google kaso nalimutan ko na kaya iguGoogle ko nalang ulit. Kundi dahil sakanila hindi natin makikita ng malinaw yung ilalim ng mga pool/dagat pag nagsswimming tayo. Weh. Hahaha! Okay, goggles pala yon.
Pero hindi lahat nahahanap sa Google. Tulad ng true love and happiness. Harhar. Joke lang. Di lahat ng sinesearch ko meron. Pero bihira lang, wala nga kong maalalang sinearch ko tapos wala. Haha! Pero basta, meron. :)) Pag ganun iba nalang issearch ko kaya malilimutan ko na yung walang sagot. Haha. O diba. Sa isang click, mapupunta ka na sa (thinking of a word that rhymes with click) itik? pitik? ay lintik! Weh. Haha! :P Basta marami ka nang malalaman at maiisip. :))
Moving on… Yes, English. Ayun. The End. Joke lang! Masasabihan tayo ni Sir Carlo ng sikat nyang “However…” pag di maayos ang ending. Speech ‘to? :)) Okay. Ayun. Nabilang mo ba kung ilang beses ako nag “okay” “ayun” at “weh”? Haha! Basta, salamat sa Google at may nagagawa ako pag walang magawa. Nalalaman ko ang mga bagay na hindi ko alam dati at alam ko na ngayon kaso di ko alam noon kaya now I know kasi dati hindi. Hahahaha! Ang saya nun, ah. Yun lang. I would like to thank Mr.Google and his friends for my goggles. Weh. Thank you! :))
Sulat
Dahil sa post ni Bang, hinanap ko yung mga notebook ko nung 3rd year at 4th year. Sabi kasi nila dun sa post, maganda naman daw yung sulat ko. Malay natin totoo pala. Hahaha! Tignan natin…
Notes ko sa AP nung 3rd yr:

Naiintindihan ko yan. :D Hehe
Next! Eto 4th year na. Physics. :))

Astig yung drawing no? Hahaha!
Pero hindi naman sa lahat ng panahon, ganyan ang sulat ko. (Naks, bumabawi.)

May nagbago ba? Syempre naman! (May flower sa gilid.) Maayos na yan para sa’kin. Ganyan pag medyo sinisipag ako. Hehe
Naalala ko tuloy dati pag may humihiram ng notes ko sasabihin ko na agad, “Uy, magulo yan ah. Baka ‘di mo maintindihan.” Madalas na sagot, “Okay lang yan!” Minsan, “Oo! Sanay na ko.” Pero pinakamatindi yung, “Sulat lalaki, ah!” Hahaha!
Sayang kasi hindi nauso sakin yung pagrerewrite. Siguro nga masipag ako magsulat pag may lesson. Pero sobrang tamad ako na ulitin pa yon. Hehe. Kahit gaano pa yun kagulo, basta naiintindihan ko, okay na. :) Lalo nung third year, hindi ko naiisip na may grade din nga pala yung notes. Nung 4th year ko lang naisipan gawin yun. Pero sa Eko notebook lang. Kailangan, eh.
Hi, T. Celine! Hahaha. :P
JamLegend
Last summer lagi ko talaga nilalaro yan. At ngayon na wala na namang magawa, naglalaro na ulit ako. Hahaha!

Walang laos laos sa walang magawa. Hehe. Di ko na kabisado yung kung anu-ano dun ngayon. Ang dami na palang bago.
Namiss ko yung sakit sa kamay na dahil sa Let Me Go ng Steep at Canon Rock.
Namiss ko din yung paborito kong track dun na on the rocks. :D
Namiss kong maglaro nito. :)
Kanina bago kami umalis dun sa clinic ng dentista…
(Habang karga ng kuya ko ang pamangkin ko na si Hannah, hinaplos niya yung braso ng isang doctor.)
Kuya Mike: *Pabulong* Anak nahawakan mo si Hayden Kho.
Ako: *Pigil* Hahahaha!
—
Kasi kamukhang kamukha nung isang dentista dun si Hayden Kho. :D
Wala lang. =))
Gagambala
Takot na takot ako sa mga gagamba. Naalala ko lang yung panaginip ko dati tungkol sa kanila. Napunta daw ako sa puting kwarto na punong puno ng gagamba. Tapos lahat sila, kulay Blue. :)) Di ko naman favorite color yun, pero ewan ko. Blue sila. Haha
Masasabi ko na mga gagamba yung pinakakinakatakutan ko. Yung mga maliliit medyo kaya pa. Pero yung mga dambuhala na may payat at mahahabang galamay… Wala na dapat pagusapan. Di mo ko mapapalapit sa kung saan man may ganyan.
Naghahanap nga sana ko ng picture sa Google, e. Kaso di ko kinaya. Hahay! Nung lumabas yung mga pictures bumilis tibok ng puso ko tapos nanghina ako. =))

‘Yang gagambang yan? Sus, wala yan! Tsinelasin ko pa yan!
Pero syempre joke lang yon. Hahaha! Kala mo kung sinong matapang e no.
Halata naman sa itsura kong hindi ako masaya na makita siya. Nagpicture lang kami, remembrance. :)
Puyo Sa Noo
May puyo ako sa noo. :D Haha! Dahil dun, hindi sa’kin uubra yung bangs na uso. Pero nung bata ako full bangs ang gupit sa bangs ko. Haha. ‘Di ko lang alam kung bakit ngayon, nakokontrol na talaga ng puyo ko sa noo ang buhok ko.
Ayan siya, oh:

Sabi nila signus daw yan sa tubig. Delikado daw ako sa tubig. Madali daw ako madulas o kaya masamid pag iinom. Joke lang! Haha korni ko. Basta! Dapat daw mag-ingat!(Biogesic?).
Mabuhay ang mga puyo! Weh. :))
♫Bakit Ako Mahihiya - Didith Reyes
Mahiyain ako. Mahiyain ako sa mga bagong kakilala. Pero pag hindi ko kilala, hindi ako nahihiya. Haha! Hindi naman nila ‘ko kilala, hindi ko sila kilala, bakit mahihiya? :D Bili na! Haha commercial pala? Corny!
Kapag hindi na alam kung saan pupunta, kung anong gagawin o anong dapat gawin, magtatanong ako kahit kanino. Nasabihan na nga akong walang hiya(literal) dahil dun. Haha.
Nung nagpacheckup kami (Pang-ilang post ko na ‘tong tungkol sa checkup? :)) ), ako ang naging dakilang taga-tanong. Kung saan pwede kumain, kung saan sasakay papuntang SM North, kung may dapat ba ipasa at kung anu-ano pa.
Napansin kong nakakatuwa magtanong lalo sa mga taong mukang seryosong seryoso. Kasi malalaman mo, marunong din sila ngumiti at hindi naman pala ganun ka-seryoso. Parang defense mechanism lang yung “seryoso/masungit look”. :) Hehe
(Wala nga palang kinalaman yung title nito na kanta. Naalala ko lang kasi may word na “hiya.” Hahaha. Pero kung hindi mo alam ‘yang kanta, pakinggan mo din. Astig ‘yan! =)) )
Kahapon nung papunta kami sa Makati, apat na Mini Cooper ang nakita ko. Yun ang dream car ko! :D Isang gray sa bandang Commonwealth, isang white sa Quezon Ave., isang orange sa Makati(na ginawang pick up), at isang red sa Makati rin. Iba’t ibang model. Meron nung bago at syempre meron din nung classic pero kahit ano doon ay okay na okay sa’kin! Haha!
Sabi ko, “Bakit ang dami kong nakikitang Mini ngayon?!” Sabi nila, “Baka magkakaron ka daw nun.” Hahahaha! Natuwa naman si loko.
“Magkakaron ako nun!” Libre lang naman mangarap. Lubus-lubosin na natin. :P

Ang picture na yan ay galing sa Friendster. Haha! Nung 2008 pa yan. Yan din ang mga panahon ng paglobo ko sa Dubai. =))
Kwentong Apelyido
Kahapon nung nagpa-medical checkup kami nila Gabo at Paolo sa UP, limang version ng apelyido ko ang narinig ko. Tapos halos lahat nakakatawa pakinggan. :P
Sanay na naman akong naririnig na hindi masyadong tama yung pagkakapronounce sa apelyido ko dahil madalas talagang mangyari yun. :)) Natuwa lang ako kahapon kasi may isang tumama ng pagbigkas! Naks!
Madalas kong inaabangan yung mga oras na may taong hindi ko kilala na babanggit sa buong pangalan ko. Tulad nung mga panahon na nageentrance exam. Sabi nung proctor sa UP, “Sartow? Sartho?” Sa Ateneo napahinto yung proctor nung ako na yung tatawagin. Sabi, “How do you pronouce your surname? Sarthou?” Ang pagbanggit niya ay “thou” na Old English version, sosyal. Hahaha. Pero favorite ko yung sa UST. Sabi nung proctor, “Paano to? Sartaw?” at dahil marami kaming taga Mater sa room na yon, nagtawanan na at yung bandang nasa unahan nalang yung nagsabi ng tamang pronunciation. Hehe
Ang apelyido ko ay Sarthou at yung tamang pagbanggit sana ay “sartu” o kaya naman kung medyo sinisipag, “sarthu” Pero okay lang naman kung magkamali ng banggit. Tatama din yan sa future. :D
Langgam
Matagal na ding palaisipan sakin yung mga langgam. Wala akong magawa, nagsearch ako tungkol sa mga langgam. :D Haha! Eto ilan sa nalaman ko:
*Wala silang lungs. (Astig) Dumadaan lang daw sa maliliit na butas sa katawan nila yung Oxygen.
*Ang kanilang average life span ay 45-60 days lang. (Nung grade 3 ako, umiyak ako kasi pinatay ng kaklase ko yung langgam. Hahahaha! Memories.)
*Sila daw may pinakamalaking utak sa lahat ng insekto. (Gaano kaya kalaki yun? Hehe)
*Meron palang halos 20,000 species ng langgam. (Mga 4 palang ata dun nakita ko.)
*Dalawa tiyan nila. (Yung isa, para sakanila. Yung isa, para may i-share. Mabait.)
*Yung iba sa kanila ay nakakatulog ng halos 7 hours sa isang araw. (Tatangkad pa ba sila? Weh. :)) )
Pero kahit na nabasa ko na yung ilan sa mga tanong ko tungkol sa langgam, may mga tanong pa din naman ako.
- May mga mata sila. Pero sa liit nila tapos sa laki ng paligid, nakikita pa kaya nila yung buong itsura ng mga malalaking bagay?
- Ang sakit nila mangagat. Pano kung lumaki sila ng bonggang bongga? Haha. Parang magiging next generation sila ng dinosaurs. :))
