Nicole Sarthou June 30 UP-D
Twitter Tumblr Ask Formspring OH, SNAP!
Tags: | Alam mo ba? | Kalokohan | Kwentong Buhay |
| Kwentong Bahay/Pamilya♥ | Movies | Picture | School |
  • Not an ordinary day. ‘Di talaga. Hahaha

    Simulan natin ang kakaibang araw sa madaling araw ng Friday. Dito nagsimula ang kalbaryo. Hahaha

    1. Ang paglaho ng phone ko.

    Mga 1:30 AM, Friday. Gusto ko na matulog kasi pagod na din ako, sabi ko kay Mama pakigising nalang ako ng 4 AM kasi kailangan ko pa aralin yung Taekwondo Handbook kasi midterms namin (oo, may midterms kami sa Taekwondo. Hahaha)  ng 7 AM. Tapos hinanap ko phone ko kasi, wala lang. Di ko makita eh. Hahahaha

    Tapos sobrang di ko mahanap. Naiinis na ko talaga nun kasi gustong gusto ko na matulog pero ayokong pumasok ng walang phone kinabukasan kasi wala lang ulit. Hahaha pero alam ko na hindi ko ‘yon nalaglag or nanakaw or something kasi ginamit ko pa siya sa sasakyan ng tita ko nung pauwi kami. So ayun, humiga na ko kasi sabi ni Mama matulog na daw ako, siya nalang daw magtutuloy na maghanap tsaka itetext na daw niya tita ko. So ayun, huling tingin ko sa orasan 2:30 na at nakatulog na siguro ako.

    2. Bongga late.


    7:00 pasok ko. 6:30 ako nagising! Hala ka nataranta na! Hahaha! Sabi ni Mama ginising niya daw ako ng dalawang beses tapos sabi ko daw “Sandali nalang, Ma” hanggang sa pati siya nakatulog na. Hahay. Tapos ayun sobrang mabilisan na galaw at wala pa rin balita sa phone ko. :)) 

    Dumating ako sa sakayan samin mga 10 mins before 7:00. May parating nang bus, ilalabas ko na yung Taekwondo Handbook kasi sa bus ako mag-aaral. Tapos wala yung handbook sa bag koAAAAAH! Di ko na alam kung sasakay na ko at walang maaaral o uuwi muna ko at ma-late ng sobra. Tapos naisip ko ipatext kay mama yung mga importante dun tapos naalala kowala nga pala akong phone. AAAAAH!! Sunod-sunod na kamalasan please. So umuwi ako at dumating sa school mga ilang minutes before 8. Huhu.

    3. Taekwondo


    Pagdating ko may nagpeperform na sa class nung foundation forms. Natakot ako pumasok kasi nga late na late na ko. Hahaha! Tapos yung iba kong classmates sumesenyas pasok na daw ako. Eh kinakabahan nga ako kasi strict sa late yung prof namin. =)) Tapos may kuya sa labas na sabi niya lang basta pasok na daw ako kasi late din naman daw prof namin tapos mabait daw yon kasi teammate niya sa Taekwondo dati. :)) So ayun, pumasok ako at wala din ako halos naaral sa handbook kasi nung nagaaral ako ang nasa isip ko pa rin ay ang phone kong naglaho. :))

    Tapos buti may kumupkop sakin na group, thank you ERG people. :)) Nagperform na kami tapos nung pinalapit na kami para sa mga tanong galing dun sa handbook sobrang kinabahan ako kasi isa lang talaga tumatak sa isip ko na pangalan dun, yung grandmaster ng Taekwondo. Hahahaha tapos biglang yun yung tanong sa katabi ko. HUHUUU pero di niya ata naalala so yun ang napunta sakin. Yehey. :))

    4. Red Alert!    


    Pasintabi sa mga makakabasa. Hahahaha Habang pinapagawa samin sa Taekwondo yung kinds ng kicks, uh oh may naramdaman ako. Sa isip ko, “Sh*t. Next week pa dapat ah. ‘Wag naman.” So ayun, inisip ko na hindi pa, hindi pa, hindi pa talaga. Pero tuloy tuloy siya habang nagtataekwondo kami. Maygulay kadiri. Hahahaha At ayun kahit inisip kong hindi pa talaga, nandyan na siya. huhu tapos yun pa yung araw na di ako naging girl scout at ang alam kong pinakamalapit na bilihan ay sa Eng’g pa (tapos meron daw pala dun sa CHK malay ko ba :(( Hahaha) eh malelate na ko sa Physics recit namin kaya nagmadali na ko pumunta sa Eng’g. 

    Pagdating ko dun punta agad ako sa CR, may vendo kasi dun. Tapos eto na hulog ng limang piso, ikot nung iniikot :)), tapos… hindi nalaglag yung binili ko. AAAAAH! nastuck siya dun. Huhu so labas ako at tinawag si kuya guard at sinabi ang nangyari, wala pa daw yung mga pwede magasikaso kaya pukpukin ko nalang daw. Hala sige, sinunod ko naman si kuya at pukpok to the max sa vendo na yon. Pero wala pa rin kaya naisip ko maghulog ulit ng limang piso baka matulak niya yung naipit dun. Eh di hulog naman ako tapos… dalawa na silang nastuck. AAAAH! Hahahahaha dito na pumasok talaga sa isip ko na ANONG NANGYAYARI SA ARAW NA ‘TO?!! Tinulungan na ko ni kuya guard hanggang sa nalaglag na sila, yehey. :))

    Sa mga oras na ‘yon sabi ko ano pa kaya mangyayari, buong araw ba magkakaganito? 

    At nasagot naman yung tanong ko. Hehe. Nagsimula na bumaliktad ang mga nangyari. Gumaganda na ang araw ko. YEHEY! Hahaha!

    4. Physics

    Di ako nakaaral sa recit kasi ewan, tinatamad ako kahit hawak ko yung Arciaga notes habang naglalakad ako papuntang NIP. :)) Pagdating ko dun, nakasalubong ko pa si Ma’am so ibig sabihin, yehey di pa ako late kahit late na talaga! Hahaha Pagpasok ko sa room, saya ang lamig dun eh. Tapos pumasok na si Ma’am at sinabi na wala kaming class! YEHEY! Kaya umalis na kami ni Kaycee at tumambay sa canteen ng Math building. Hanggang dumating na din sila Buddy Diane at si JP at nakakaasar kasi ang daming pagkain tapos ang gastos tuloy. Hahahaha pero ok lang, pagkain naman diba. :P :)) 

    Tapos pinuntahan ko sila Lizzie at Lea. Love you, Lizzie! ♥ Dito lang kami!!! :*

    5. Ikot
    Umalis na kami ng MB at pupunta sa Vinzons. Sasakay kami ng Ikot kasi mainit maglakad eh, at malayo rin naman yun diba. :)) Tapos may nakita ako.  Di pa nagsink-in sa’kin agad. Tuloy lang lakad ko pero tinitignan ko siya. Sa isip ko, “Kilala ko ‘to eh.” Tapos natauhan lang ako nung sabi ni Lea, “Nikki…” UH OH! Hahahaha! Ang saya saya sa jeep no’n. =)) Buti nalang nasa harap siya at least di naman masyado halata yung kaligayahan ko. Pero di talaga ko nun makapagfocus kasi nakikita ko siya dun sa salamin hahahahaha sorry =))
    Nalungkot pa ko kasi sa Vinzons kami bababa nila Lea at Lizzie. Tapos nagbabye na kami kela Kaycee at Buddy tapos medyo sad pa kasi nga you know :)) Tapos dun din pala siya bumaba!  YEHEY! Ang saya saya lang. Hahahaha ok tama na. =))
    6. Shoot

    After namin kumain nila Lizzie at Lea, simula na ang shooting. Wow shooting. Hahahaha Basta, yon. :)) Tapos nagtext si Lea sa mga kasama ko na yehey tinext daw ni Mama si Dana na nakita na ang phone ko! WOHOO! Tawa kami ng tawa sa shooting na yon. =)) Kung ano ano ginawa. Excited na ko matapos ‘yon. Go, Jomar! :)) Kahit inulan na kami nung hapon, oks pa din. Saya! =))
    7. Uwi na! :D

    Nagkita-kita kami nila Audz, Dana, Lea, at Lizzie sa Eng’g. Eh ang lakas pa rin ng ulan. At dahil na rin gusto naming mapunan ang mga kulang sa childhood ni Lea. Hahahaha labyu, Lea! :)) Naglakad kami ng nakapaa hanggang sa central! YEHEY! Very batang kalye ang dating namin. Hahaha! Pero sobrang saya! Lagi naman masaya pero basta masaya. Hanggang sa bus sobrang ingay namin (as usual) kung ano anong nakikita, napagttripan, tapos mga nakakangawit na sa panga at masakit sa tiyan at pisngi dahil sa kakatawa. =)) Tapos nagSM kami. Siyempre masaya pa rin. =)) At ayun. Uwi na kami! :) 
    Pag-uwi ko dun ko lang din narealize, napagod pala ko. Hahaha tulog agad eh. :))


    At ayun na ang napakahabang kwento ng aking May 11, 2012! Ang kakaibang araw na, overall, masaya pa rin talaga. :D 


    P.S. Salamat sa mga di nangiwan sakin dahil wala akong cellphone at nagtiyagang itext ang mga taong kausap ko. Hahaha! Thank you, friends! :))
    #Swerte  
    #school  

  • 2 weeks ago
  • Isang Linggong Summary

    Lunes (Malamang sa malamang hindi to Lunes okay)

    Lunes, nang tayo’y magkakilala. Weh. :)) HAPPY BIRTHDAY, NIKKI! Hahahaha! Dito malalaman na sobrang tagal ko nang walang post. :)) YAY, G6! YAY, HS FRIENDS! YAY, BIRTHDAY!

     



    Martes (Malamang sa malamang hindi to Martes diba :))

    Poof! New friends! ♥ Napakadaming nangyari sa magkakaibigang ‘to. May ano, ano, ano, yung ano. Sabihin mo! ANO. ****** ka ah! Tapos hahahaha! KAMI PO’Y… mababait na bata. Naging Tocino kami sa Pampanga! What. Hahaha! Makasabi lang. :)) >:D<



    Miyerkules (Malamang sa malamang gets mo na. :)) )

    The picture says it all. T_T Parang di naman? Hahaha! Pero grabe, miss ko na talaga ‘tong mga to. Hintayan moments. Sabay-sabay uuwi moments. Memorable bus moments. :)) Sabay sabay kumain moments. Laro ng UNO moments. At sobrang laughtrip kahit napakababaw ng dahilan momeeents. </3 Tuwing sa gym kami magaabang ng bus ni Dana pauwi, naaalala namin ang shembot at kung ano ano paaaa. Labyu, guyz. Cheesy. :))

    Huwebes (Malamang sa malamang… wala lang. Hehe)

    Ito pa isa! Fly ng fly like a G6 di na tuloy tayo nagkikita kita! Hahaha! HOY KAYCEE. Shift shift pa eh. Enter enter nalang sana. Huh??? :)) G6, Katipunan naman dyaaan! T_T Wicked Oreos! Flaming Wings! McDo! Ang pagtataray ni Cam sa mga waiter. :)) MOA! WOW BALLS! \m/ Sana bago man lang matapos ang sem, makaalis tayo ulit. Grabe, June pa tayo huling nagkita-kita ng marami. MISYUOL :( :)

    Biyernes (Malamang sa alamang)

    ES 1 ano nang kinabukasan ko sa’yo. Huhuuu. Excited pa naman ako last sem dito. Saya ko kasi nung drafting namin ng 3rd yr eh. =)) Ibang iba pala. Akala ko… ikaw ay akin. Totoo sa aking paningin. Ngunit nang ika’y yakapin. Naglaho sa diliiim. (umeAegis!) Ang dilim. Nagbrownout sa Eng’g pagtapos ng exam sa ES 1. Instant Tugs! Tugs! Tugs! :))

    Ang dilim ng kinabukasan sa ES 1.


    Sabado (Malama… n. Malaman!)

    Hell weeeek! Saya, sunod-sunod exams. May magsasabay pa! Buti nalang nacancel yung practicals ng CWTS sa Tuesday. Di pa ko marunong lumangoy eh. :)) Daming gagawin! Pero think positive. Unicorns! Rainbows! Magic everywhere! =))



    Linggo (Ma… linam nam nam nam nam! Hahaha sorry wala na ko maisip.)

    Looong weekend! Kailangan may magawa ako! Kahapon wala akong nagawa. Hahaha! Excused yon, may sakit eh. :)) Ngayon na ok ok na ko, kailangan may magawa ako! Kailangan! Kailangan! Wala na masabi. Paulit ulit nalang. Hahahaha! *ubo* =)) *singhot* :)) BYYYYYEEEEE! :)

    #school  

  • 9 months ago
    1Notes
  • Halo-halo

    Ayoko ng nasestress. Ayoko talaga. Paulit-ulit? Paulit-ulit? Hahaha! Wala lang. Nasestress ako. Inulit pa? :)) Wala namang may gusto ng ganun ‘di ba? :) Ang daming gagawin. Nauubos oras ko kakaisip kung ano gagawin ko. Charing. Haha! Tulooong.

    “Tutulungan mo ba kami magbilang? … Bilangin natin ang mga bilbil ni Isel(?). Uno, dos, tres, kwatro. Si Isel ay may kwatrong bilbil.” Hahahaha! Naalala ko bigla si Doray. Nakakawala siya ng stress. Kilala mo si Doray? :D Panoorin mo siya -> *Click! 

    Si Doray ang inspiration namin na gumawa ng kalokohan kaso hindi matuloy-tuloy kasi busy. Huhu. Pero di naman lagi. Hindi lang nagkakatugma ang mga schedule namin. :P

    Balik tayo…

    Gumawa lang ako ng text post para magkwento. Yege, MMK.

    Ang tagal na pala nung huli akong nagpost dito. Wala lang ulit. Haha! Kilala mo ba si Queen Jokeman? Hello, G6! :D Hahaha! G6 ang aking mahal na block. :) Civil Eng’g nga pala course ko. I’m 17 y/o. June 30 is my special day. Meganon?! Naging slam book? Hahaha! Binansagan ako sa block namin na Queen Jokeman dahil ano… hulaan mo. Haha! Ang hirap lang minsan kasi kahit seryoso ako, kala nila joke pa din. Pero ayos lang. Mahal ko naman sila. :”> Hihi. Arte? :))

    Hayuuun. Kailangan ko lang ng konting pampachillax sa isipan. :P 

    Nga pala! Lapit na ng UPCAT. Good luck sa inyo! :) Kaya niyo yan! Wag na magreview! Walang matutulong yan. Hahaha! Biro lang. Mag-aral ng mabuti. :) Parang heaven yung feeling pag nakita mo yung pangalan mo sa results. Nakakaiyak yun, promise. Para sakin lang naman. Hehe. Basta, galingan niyo! Good luck! :D

    #school  

  • 1 year ago
    1Notes
  • Tweet! Tweet!

    Ang daming artista na may Twitter account, ‘no? Meron din ako … Artista!!! Hahaha! Joke lang, syempre. Ngayon ko lang ulit binuksan account ko sa Twitter after 6 months. Dami kong followers, 9! Hahaha! Salamat ng marami sa inyong siyam! >:D<

    Dati ginawa ko yun para i-follow lang yung artista. (Stalker) Tapos nung tinamad ako, wala na. At ngayon, (♫Di pa rin alam kung ba’t tayo nandito…♫ Spolarium? :)) ) gusto ko tignan kung okay dun. :D Kung iisipin parang kausap mo sarili mo. Parang dito din. Haha! Wala lang. Naghahanap ako ng mga kakilala dun. May Twitter account ka ba? Follow kita! I’ll stalk you! Meganon? :))

    *Click!* Hahay!


  • 2 years ago
  • JamLegend

    Last summer lagi ko talaga nilalaro yan. At ngayon na wala na namang magawa, naglalaro na ulit ako. Hahaha!

    Walang laos laos sa walang magawa. Hehe. Di ko na kabisado yung kung anu-ano dun ngayon. Ang dami na palang bago.

    Namiss ko yung sakit sa kamay na dahil sa Let Me Go ng Steep at Canon Rock.

    Namiss ko din yung paborito kong track dun na on the rocks. :D

    Namiss kong maglaro nito. :)

    Laro na! :D


  • 2 years ago
  • ♫Bakit Ako Mahihiya - Didith Reyes

    Mahiyain ako. Mahiyain ako sa mga bagong kakilala. Pero pag hindi ko kilala, hindi ako nahihiya. Haha! Hindi naman nila ‘ko kilala, hindi ko sila kilala, bakit mahihiya? :D Bili na! Haha commercial pala? Corny!


    Kapag hindi na alam kung saan pupunta, kung anong gagawin o anong dapat gawin, magtatanong ako kahit kanino. Nasabihan na nga akong walang hiya(literal) dahil dun. Haha.

    Nung nagpacheckup kami (Pang-ilang post ko na ‘tong tungkol sa checkup? :)) ), ako ang naging dakilang taga-tanong. Kung saan pwede kumain, kung saan sasakay papuntang SM North, kung may dapat ba ipasa at kung anu-ano pa.

    Napansin kong nakakatuwa magtanong lalo sa mga taong mukang seryosong seryoso. Kasi malalaman mo, marunong din sila ngumiti at hindi naman pala ganun ka-seryoso. Parang defense mechanism lang yung “seryoso/masungit look”. :) Hehe

    (Wala nga palang kinalaman yung title nito na kanta. Naalala ko lang kasi may word na “hiya.” Hahaha. Pero kung hindi mo alam ‘yang kanta, pakinggan mo din. Astig ‘yan! =)) )

    #school  

  • 2 years ago
  • Kahapon nung papunta kami sa Makati, apat na Mini Cooper ang nakita ko. Yun ang dream car ko! :D Isang gray sa bandang Commonwealth, isang white sa Quezon Ave., isang orange sa Makati(na ginawang pick up), at isang red sa Makati rin. Iba’t ibang model. Meron nung bago at syempre meron din nung classic pero kahit ano doon ay okay na okay sa’kin! Haha!

    Sabi ko, “Bakit ang dami kong nakikitang Mini ngayon?!” Sabi nila, “Baka magkakaron ka daw nun.” Hahahaha! Natuwa naman si loko.

    “Magkakaron ako nun!” Libre lang naman mangarap. Lubus-lubosin na natin. :P

    Ang picture na yan ay galing sa Friendster. Haha! Nung 2008 pa yan. Yan din ang mga panahon ng paglobo ko sa Dubai. =))


  • 2 years ago
    2Notes
  • Kwentong Apelyido

    Kahapon nung nagpa-medical checkup kami nila Gabo at Paolo sa UP, limang version ng apelyido ko ang narinig ko. Tapos halos lahat nakakatawa pakinggan. :P

    Sanay na naman akong naririnig na hindi masyadong tama yung pagkakapronounce sa apelyido ko dahil madalas talagang mangyari yun. :)) Natuwa lang ako kahapon kasi may isang tumama ng pagbigkas! Naks!

    Madalas kong inaabangan yung mga oras na may taong hindi ko kilala na babanggit sa buong pangalan ko. Tulad nung mga panahon na nageentrance exam. Sabi nung proctor sa UP, “Sartow? Sartho?” Sa Ateneo napahinto yung proctor nung ako na yung tatawagin. Sabi, “How do you pronouce your surname? Sarthou?” Ang pagbanggit niya ay “thou” na Old English version, sosyal. Hahaha. Pero favorite ko yung sa UST. Sabi nung proctor, “Paano to? Sartaw?” at dahil marami kaming taga Mater sa room na yon, nagtawanan na at yung bandang nasa unahan nalang yung nagsabi ng tamang pronunciation. Hehe

    Ang apelyido ko ay Sarthou at yung tamang pagbanggit sana ay “sartu” o kaya naman kung medyo sinisipag, “sarthu” Pero okay lang naman kung magkamali ng banggit. Tatama din yan sa future. :D


  • 2 years ago
  • JOKE LANG :D

    Namiss ko na magjoke ng kakornihan. haha! nung third year halos araw-araw may corny akong joke o banat. ngayon, wala na. awww. :( ang dali na kc manghula ng joke ngaun e. hahaha at ibang level na din naman ang mga banat ngayon :D makahanap nga ng old school jokes mamaya.

    mamaya na, paguwi ko. kasi 6:10 na, nagcocomputer pa ko. male-late na naman ako nito. hahaha

    :D


  • 2 years ago
  • Masaya din pala.

    Ayos din pala to. Hindi boring gawin. Pero mas masaya siguro kung mas maaga ko ‘to ginawa ‘no? Hehe. Di tulad ngayon na 1:15 na ng madaling araw, di pa rin ako tapos. Okay na kaya yung mga nagawa ko? Tingin mo? :D Hahaha. Maghahanap pa ko ng mga videos, pictures at ng kung anu-ano pang pwede ilagay. Bahala na. :)


  • 2 years ago