LATE NA ‘KO! na-late nga ba?
Nawarningan na ‘ko ni T. Jesusa at ni S. Edwin dahil sa tardiness. Anim na yun.. Dalawa na lang, yari, suspended si Nikki. haha:D Naplano ko na yun eh. Kapag may isang araw na na-late na naman ako ng gising, di na ‘ko papasok. Mas okay na yun, kaysa naman masuspend ‘di ba? :D
Nung January 25, 2010 (Birthday ni George tsaka Joven. haha), na-late nga ako ng gising. Mga 6:45 na nung nagising ako. Matagal kong pinag-isipan kung papasok pa ‘ko kasi siguradong late na ‘ko. Himala na kung makakarating pa ‘ko ng 7:00 sa school kung ‘di pa ko bumabangon nung mga oras na ‘yon. Pero dahil sa mga kadahilanang ‘di ko na matandaan, pumasok ako. Nung mga oras na yun, tinanggap ko na din na hindi na malayong mangyari na masuspend nga ako. Kasing bilis ko si Lightning McQueen:) gumalaw nun. ‘Di na ‘ko nag-almusal kaya naka-alis kami ng kuya ko sa bahay ng mga 7:15. Dumating kami sa school, mga 7:30 na siguro.
Nakita ko na galing sa labas na sa mga 4th year na yung pinipirmahan ni Sir Edwin na handbook kaya nagmadali ako. Pagpasok ko, pumila na sila sa lobby, paakyat na. Eh di syempre, pila din ako. Hawak ko ‘yung handbook ko kasi nga magpapapirma pa ‘ko kay Sir Edwin. Tapos, nung nakapila na kami, pinaakyat na kami ni Sir Edwin at hindi niya siguro napansin na dumating ako kaya nakaligtas ako sa pagiging late. :D YEHEY! hahaha! Tawa ‘ko ng tawa nung paakyat kami. Ang ingay pa nila Shaun, sabi madaya daw kasi di ako nakita. Tapos nakita din ako ni Ruth nung nasa taas na kami. Grabe nga daw kasi di ako na-late. Sabi ko nalang na kailangan ko talaga yun dahil *tooot!* Sikreto. hahahaha! Ayun, pumasok na kami ni Ruth sa classroom at kinwento ko na ang mga pangyayari. Swerte nga naman. hahaha :D
Sobrang na-LSS ako dito sa kantang ‘to. Mga apat na araw din ‘yon. Chorus lang naman yung paulit-ulit sa isip ko. Pakinggan at panoorin. hahaha
HINTAYIN ANG CHORUS! :)
New York, concrete jungle where dreams are made of
There’s nothing you can’t do
Now you’re in New York
These streets will make you feel brand new
Big lights will inspire you!
Let’s hear it for New York, New York, New York!
:D
Beep, beep, beep, manong drayber ng jeep.
Sa isang blog ko na nangyari noong Jan. 25, sinwerte ako.
Pero noong February 02, 2010…
Isang malakas na “O, HINDI!!!” LATE AKO. Late na naman. :(
Seven na ang late ko. ISA NA LANG! masususpend na ‘ko. Waaaa!
Minalas eh. Aabot pa sana kami ni Ruth (nagkasabay kami nung umagang ‘yon) kung hindi lang maraming etchos na nangyari. Una, puno na karamihan ng mga jeep, late na din kasi nun e. Mga quarter to seven na nun. Tapos, nung may nasakyan na kaming jeep, nabangga naman yung jeep ng tricycle sa may bandang likod. Eh di nag-away pa ng konti yung driver ng jeep at yung driver ng tricycle. Pero medyo lang naman. Dahil sa ayaw siguro ni manong driver ng jeep na magasgasan ang kanyang “baby,” bumaba pa siya para tignan kung may galos si baby jeep. Mga 5 minutes din ang nasayang doon. Ayun, okay na. Nananalangin kami nun na sana talaga umabot pa kami at hindi ma-late. Nasa Amparo na kami mga bandang 6:57(may butal talaga)… Nang biglang naisipan ni manong drayber na magpa-gas. Dahil doon, nawalan na kami ng pag-asa. :(
Pagdating sa school, ayun, late nga. Nagbaka-sakali pa kami ni Ruth na ma-excuse sa reason na nahirapan kami i-construct: “The jeepney broke down and it was hard for us to find another available one.” Pero dahil sa bad trip si Sir Edwin nang umagang yon, di kami na-excuse. AWW.
Masaya din pala.
Ayos din pala to. Hindi boring gawin. Pero mas masaya siguro kung mas maaga ko ‘to ginawa ‘no? Hehe. Di tulad ngayon na 1:15 na ng madaling araw, di pa rin ako tapos. Okay na kaya yung mga nagawa ko? Tingin mo? :D Hahaha. Maghahanap pa ko ng mga videos, pictures at ng kung anu-ano pang pwede ilagay. Bahala na. :)
JOKE LANG :D
Namiss ko na magjoke ng kakornihan. haha! nung third year halos araw-araw may corny akong joke o banat. ngayon, wala na. awww. :( ang dali na kc manghula ng joke ngaun e. hahaha at ibang level na din naman ang mga banat ngayon :D makahanap nga ng old school jokes mamaya.
mamaya na, paguwi ko. kasi 6:10 na, nagcocomputer pa ko. male-late na naman ako nito. hahaha
:D
Kwentong Apelyido
Kahapon nung nagpa-medical checkup kami nila Gabo at Paolo sa UP, limang version ng apelyido ko ang narinig ko. Tapos halos lahat nakakatawa pakinggan. :P
Sanay na naman akong naririnig na hindi masyadong tama yung pagkakapronounce sa apelyido ko dahil madalas talagang mangyari yun. :)) Natuwa lang ako kahapon kasi may isang tumama ng pagbigkas! Naks!
Madalas kong inaabangan yung mga oras na may taong hindi ko kilala na babanggit sa buong pangalan ko. Tulad nung mga panahon na nageentrance exam. Sabi nung proctor sa UP, “Sartow? Sartho?” Sa Ateneo napahinto yung proctor nung ako na yung tatawagin. Sabi, “How do you pronouce your surname? Sarthou?” Ang pagbanggit niya ay “thou” na Old English version, sosyal. Hahaha. Pero favorite ko yung sa UST. Sabi nung proctor, “Paano to? Sartaw?” at dahil marami kaming taga Mater sa room na yon, nagtawanan na at yung bandang nasa unahan nalang yung nagsabi ng tamang pronunciation. Hehe
Ang apelyido ko ay Sarthou at yung tamang pagbanggit sana ay “sartu” o kaya naman kung medyo sinisipag, “sarthu” Pero okay lang naman kung magkamali ng banggit. Tatama din yan sa future. :D
Kahapon nung papunta kami sa Makati, apat na Mini Cooper ang nakita ko. Yun ang dream car ko! :D Isang gray sa bandang Commonwealth, isang white sa Quezon Ave., isang orange sa Makati(na ginawang pick up), at isang red sa Makati rin. Iba’t ibang model. Meron nung bago at syempre meron din nung classic pero kahit ano doon ay okay na okay sa’kin! Haha!
Sabi ko, “Bakit ang dami kong nakikitang Mini ngayon?!” Sabi nila, “Baka magkakaron ka daw nun.” Hahahaha! Natuwa naman si loko.
“Magkakaron ako nun!” Libre lang naman mangarap. Lubus-lubosin na natin. :P

Ang picture na yan ay galing sa Friendster. Haha! Nung 2008 pa yan. Yan din ang mga panahon ng paglobo ko sa Dubai. =))
♫Bakit Ako Mahihiya - Didith Reyes
Mahiyain ako. Mahiyain ako sa mga bagong kakilala. Pero pag hindi ko kilala, hindi ako nahihiya. Haha! Hindi naman nila ‘ko kilala, hindi ko sila kilala, bakit mahihiya? :D Bili na! Haha commercial pala? Corny!
Kapag hindi na alam kung saan pupunta, kung anong gagawin o anong dapat gawin, magtatanong ako kahit kanino. Nasabihan na nga akong walang hiya(literal) dahil dun. Haha.
Nung nagpacheckup kami (Pang-ilang post ko na ‘tong tungkol sa checkup? :)) ), ako ang naging dakilang taga-tanong. Kung saan pwede kumain, kung saan sasakay papuntang SM North, kung may dapat ba ipasa at kung anu-ano pa.
Napansin kong nakakatuwa magtanong lalo sa mga taong mukang seryosong seryoso. Kasi malalaman mo, marunong din sila ngumiti at hindi naman pala ganun ka-seryoso. Parang defense mechanism lang yung “seryoso/masungit look”. :) Hehe
(Wala nga palang kinalaman yung title nito na kanta. Naalala ko lang kasi may word na “hiya.” Hahaha. Pero kung hindi mo alam ‘yang kanta, pakinggan mo din. Astig ‘yan! =)) )
JamLegend
Last summer lagi ko talaga nilalaro yan. At ngayon na wala na namang magawa, naglalaro na ulit ako. Hahaha!

Walang laos laos sa walang magawa. Hehe. Di ko na kabisado yung kung anu-ano dun ngayon. Ang dami na palang bago.
Namiss ko yung sakit sa kamay na dahil sa Let Me Go ng Steep at Canon Rock.
Namiss ko din yung paborito kong track dun na on the rocks. :D
Namiss kong maglaro nito. :)
Tweet! Tweet!
Ang daming artista na may Twitter account, ‘no? Meron din ako … Artista!!! Hahaha! Joke lang, syempre. Ngayon ko lang ulit binuksan account ko sa Twitter after 6 months. Dami kong followers, 9! Hahaha! Salamat ng marami sa inyong siyam! >:D<
Dati ginawa ko yun para i-follow lang yung artista. (Stalker) Tapos nung tinamad ako, wala na. At ngayon, (♫Di pa rin alam kung ba’t tayo nandito…♫ Spolarium? :)) ) gusto ko tignan kung okay dun. :D Kung iisipin parang kausap mo sarili mo. Parang dito din. Haha! Wala lang. Naghahanap ako ng mga kakilala dun. May Twitter account ka ba? Follow kita! I’ll stalk you! Meganon? :))
*Click!* Hahay!