Not an ordinary day. ‘Di talaga. Hahaha
Simulan natin ang kakaibang araw sa madaling araw ng Friday. Dito nagsimula ang kalbaryo. Hahaha
1. Ang paglaho ng phone ko.
Mga 1:30 AM, Friday. Gusto ko na matulog kasi pagod na din ako, sabi ko kay Mama pakigising nalang ako ng 4 AM kasi kailangan ko pa aralin yung Taekwondo Handbook kasi midterms namin (oo, may midterms kami sa Taekwondo. Hahaha) ng 7 AM. Tapos hinanap ko phone ko kasi, wala lang. Di ko makita eh. Hahahaha
Tapos sobrang di ko mahanap. Naiinis na ko talaga nun kasi gustong gusto ko na matulog pero ayokong pumasok ng walang phone kinabukasan kasi wala lang ulit. Hahaha pero alam ko na hindi ko ‘yon nalaglag or nanakaw or something kasi ginamit ko pa siya sa sasakyan ng tita ko nung pauwi kami. So ayun, humiga na ko kasi sabi ni Mama matulog na daw ako, siya nalang daw magtutuloy na maghanap tsaka itetext na daw niya tita ko. So ayun, huling tingin ko sa orasan 2:30 na at nakatulog na siguro ako.
2. Bongga late.
7:00 pasok ko. 6:30 ako nagising! Hala ka nataranta na! Hahaha! Sabi ni Mama ginising niya daw ako ng dalawang beses tapos sabi ko daw “Sandali nalang, Ma” hanggang sa pati siya nakatulog na. Hahay. Tapos ayun sobrang mabilisan na galaw at wala pa rin balita sa phone ko. :))
Dumating ako sa sakayan samin mga 10 mins before 7:00. May parating nang bus, ilalabas ko na yung Taekwondo Handbook kasi sa bus ako mag-aaral. Tapos wala yung handbook sa bag ko. AAAAAH! Di ko na alam kung sasakay na ko at walang maaaral o uuwi muna ko at ma-late ng sobra. Tapos naisip ko ipatext kay mama yung mga importante dun tapos naalala kowala nga pala akong phone. AAAAAH!! Sunod-sunod na kamalasan please. So umuwi ako at dumating sa school mga ilang minutes before 8. Huhu.
3. Taekwondo
Pagdating ko may nagpeperform na sa class nung foundation forms. Natakot ako pumasok kasi nga late na late na ko. Hahaha! Tapos yung iba kong classmates sumesenyas pasok na daw ako. Eh kinakabahan nga ako kasi strict sa late yung prof namin. =)) Tapos may kuya sa labas na sabi niya lang basta pasok na daw ako kasi late din naman daw prof namin tapos mabait daw yon kasi teammate niya sa Taekwondo dati. :)) So ayun, pumasok ako at wala din ako halos naaral sa handbook kasi nung nagaaral ako ang nasa isip ko pa rin ay ang phone kong naglaho. :))
Tapos buti may kumupkop sakin na group, thank you ERG people. :)) Nagperform na kami tapos nung pinalapit na kami para sa mga tanong galing dun sa handbook sobrang kinabahan ako kasi isa lang talaga tumatak sa isip ko na pangalan dun, yung grandmaster ng Taekwondo. Hahahaha tapos biglang yun yung tanong sa katabi ko. HUHUUU pero di niya ata naalala so yun ang napunta sakin. Yehey. :))
4. Red Alert!
Pasintabi sa mga makakabasa. Hahahaha Habang pinapagawa samin sa Taekwondo yung kinds ng kicks, uh oh may naramdaman ako. Sa isip ko, “Sh*t. Next week pa dapat ah. ‘Wag naman.” So ayun, inisip ko na hindi pa, hindi pa, hindi pa talaga. Pero tuloy tuloy siya habang nagtataekwondo kami. Maygulay kadiri. Hahahaha At ayun kahit inisip kong hindi pa talaga, nandyan na siya. huhu tapos yun pa yung araw na di ako naging girl scout at ang alam kong pinakamalapit na bilihan ay sa Eng’g pa (tapos meron daw pala dun sa CHK malay ko ba :(( Hahaha) eh malelate na ko sa Physics recit namin kaya nagmadali na ko pumunta sa Eng’g.
Pagdating ko dun punta agad ako sa CR, may vendo kasi dun. Tapos eto na hulog ng limang piso, ikot nung iniikot :)), tapos… hindi nalaglag yung binili ko. AAAAAH! nastuck siya dun. Huhu so labas ako at tinawag si kuya guard at sinabi ang nangyari, wala pa daw yung mga pwede magasikaso kaya pukpukin ko nalang daw. Hala sige, sinunod ko naman si kuya at pukpok to the max sa vendo na yon. Pero wala pa rin kaya naisip ko maghulog ulit ng limang piso baka matulak niya yung naipit dun. Eh di hulog naman ako tapos… dalawa na silang nastuck. AAAAH! Hahahahaha dito na pumasok talaga sa isip ko na ANONG NANGYAYARI SA ARAW NA ‘TO?!! Tinulungan na ko ni kuya guard hanggang sa nalaglag na sila, yehey. :))
—
Sa mga oras na ‘yon sabi ko ano pa kaya mangyayari, buong araw ba magkakaganito?
—
At nasagot naman yung tanong ko. Hehe. Nagsimula na bumaliktad ang mga nangyari. Gumaganda na ang araw ko. YEHEY! Hahaha!
4. Physics
Di ako nakaaral sa recit kasi ewan, tinatamad ako kahit hawak ko yung Arciaga notes habang naglalakad ako papuntang NIP. :)) Pagdating ko dun, nakasalubong ko pa si Ma’am so ibig sabihin, yehey di pa ako late kahit late na talaga! Hahaha Pagpasok ko sa room, saya ang lamig dun eh. Tapos pumasok na si Ma’am at sinabi na wala kaming class! YEHEY! Kaya umalis na kami ni Kaycee at tumambay sa canteen ng Math building. Hanggang dumating na din sila Buddy Diane at si JP at nakakaasar kasi ang daming pagkain tapos ang gastos tuloy. Hahahaha pero ok lang, pagkain naman diba. :P :))
Tapos pinuntahan ko sila Lizzie at Lea. Love you, Lizzie! ♥ Dito lang kami!!! :*
After namin kumain nila Lizzie at Lea, simula na ang shooting. Wow shooting. Hahahaha Basta, yon. :)) Tapos nagtext si Lea sa mga kasama ko na yehey tinext daw ni Mama si Dana na nakita na ang phone ko! WOHOO! Tawa kami ng tawa sa shooting na yon. =)) Kung ano ano ginawa. Excited na ko matapos ‘yon. Go, Jomar! :)) Kahit inulan na kami nung hapon, oks pa din. Saya! =))
At ayun na ang napakahabang kwento ng aking May 11, 2012! Ang kakaibang araw na, overall, masaya pa rin talaga. :D
P.S. Salamat sa mga di nangiwan sakin dahil wala akong cellphone at nagtiyagang itext ang mga taong kausap ko. Hahaha! Thank you, friends! :))
Ang Pagbabalik
Hello! Ako’y nagbabalik dahil may ilang araw pang natitira sa bakasyon ko bago magstart ulit ang klase. Dami kong gusto sabihin kasi madaldal. Hahahaha Pero ‘di lang talaga ‘ko makatulog.
Warning: Mahaba ‘to, di talaga ko inaantok eh. :))
Simulan natin ang randomness… now!
Sana makaprerog ako ng Physics sa enrollment. (Tri-coll, mag-tira kayo ng slots pleeease!) Si CRS kasi, binigyan ako ng lab, wala namang lec. Ano ‘yooon. Hahaha! Salamat na rin may nakuha pa. :)) Tapos PE ko Taekwondo. Hi-ya!!! Pero nagdadalawang isip pa ko kung kukunin ko, late kasi ng magiging uwi ko, imbes na 12 ‘la nang class magiging 4:00 pa. (Late na yon, summer eh. Hahaha) Pero nakakapanghinayang na din bitawan, hirap makakuha ng PE, at huling PE ko na! Wohoo!
Alam niyo ba inaallow ko lang na ma-post ‘to sa FB para makita ni Mama kasi gusto niya daw binabasa mga gawa ko kahit nahihiya ako na nakikita to sa FB. Hahahaha Hi, Ma! :)) Love youuu! ♥
Lapit na ng Blackout! (Punta kayo, open ‘to sa lahat! Pubmats soon. ;) ) Market! Pera! Market! Marketiiing! La pa ‘ko natatawagang companies bukod dun sa mga tinawagan namin nung nagtraining kami. Shhh. Lagot. Hahay pero promise, after po ng Holy Week. :)
Alam mo yung Matched? Intense nung chapter 29 grabe! Naluha ako eh. Wow! Hahaha Tapos ayoko ituloy na basahin yung chapter 30 kasi ang nipis nalang nung natitira, matatapos na siya, eh OA sa mahal yung 2nd book. Hahahahaha Tapos alam mo ba di pa ko nakakanood ng Hunger Games at naiinis ako dahil last year ko pa ‘yon inaabangan tapos wala akong oras manood. Nagkaron pala, nung after ng Math 55 finals, manonood ako dapat magisa nun kahit loner much ang drama pero sabi ni Julian sabay-sabay nalang daw namin panoorin ng KINAJO… tapos di ako nanood. Yehey! :( :))
Si Bembem (minsan Benben. Kahit ano ayos lang lumilingon naman siya eh. Hahaha!), yung aso namin, chickboy… chickdog? Nyeh!!! Basta, ayaw umuwi eh. Bembem uwi! Kumain ka naman! Hirap na kaming pauwiin ka. Miss ka na ni Hershey at Lee-ya. Arf!
May ginawa ‘kong account sa Wordpress. Pinagawa kasi kami ng fashion blog para sa ArtStud2 ko tapos dun ko ginawa. fashionablyfashionating.wordpress.com Oha, tagal ko inisip yan. Tapos inisip ko kung dun nalang ako magdadaldal pero tinamad ako. Yehey! Hahahaha kaya dito nalang tapos ililipat ko dito yung ginawa ko dun para kunwari marami ako ginawa ngayon sa Tumblr.
May nakita akong dalawang langgam sa laptop ko.
Napakawalang sense ng post na ‘to. Di lang ako makatulog eh. :))
Ano pa ba… Daming nagbago sa buhay! Sa buhay ko, buhay namin. Naks. Tapos di ko itutuloy para mysteriously maarte. Hahahaha Uy di ‘yan lovelife ah. Para malinaw lang. =)) Napaka waley din ng structure nitong post na ‘to. Tulad ngayon, wala na ko maisip kaya byebye na.
Bye! :))
Isang Linggong Summary
Lunes (Malamang sa malamang hindi to Lunes okay)
Lunes, nang tayo’y magkakilala. Weh. :)) HAPPY BIRTHDAY, NIKKI! Hahahaha! Dito malalaman na sobrang tagal ko nang walang post. :)) YAY, G6! YAY, HS FRIENDS! YAY, BIRTHDAY!

Martes (Malamang sa malamang hindi to Martes diba :))
Poof! New friends! ♥ Napakadaming nangyari sa magkakaibigang ‘to. May ano, ano, ano, yung ano. Sabihin mo! ANO. ****** ka ah! Tapos hahahaha! KAMI PO’Y… mababait na bata. Naging Tocino kami sa Pampanga! What. Hahaha! Makasabi lang. :)) >:D<

Miyerkules (Malamang sa malamang gets mo na. :)) )

The picture says it all. T_T Parang di naman? Hahaha! Pero grabe, miss ko na talaga ‘tong mga to. Hintayan moments. Sabay-sabay uuwi moments. Memorable bus moments. :)) Sabay sabay kumain moments. Laro ng UNO moments. At sobrang laughtrip kahit napakababaw ng dahilan momeeents. </3 Tuwing sa gym kami magaabang ng bus ni Dana pauwi, naaalala namin ang shembot at kung ano ano paaaa. Labyu, guyz. Cheesy. :))
Huwebes (Malamang sa malamang… wala lang. Hehe)
Ito pa isa! Fly ng fly like a G6 di na tuloy tayo nagkikita kita! Hahaha! HOY KAYCEE. Shift shift pa eh. Enter enter nalang sana. Huh??? :)) G6, Katipunan naman dyaaan! T_T Wicked Oreos! Flaming Wings! McDo! Ang pagtataray ni Cam sa mga waiter. :)) MOA! WOW BALLS! \m/ Sana bago man lang matapos ang sem, makaalis tayo ulit. Grabe, June pa tayo huling nagkita-kita ng marami. MISYUOL :( :)

Biyernes (Malamang sa alamang)
ES 1 ano nang kinabukasan ko sa’yo. Huhuuu. Excited pa naman ako last sem dito. Saya ko kasi nung drafting namin ng 3rd yr eh. =)) Ibang iba pala. Akala ko… ikaw ay akin. Totoo sa aking paningin. Ngunit nang ika’y yakapin. Naglaho sa diliiim. (umeAegis!) Ang dilim. Nagbrownout sa Eng’g pagtapos ng exam sa ES 1. Instant Tugs! Tugs! Tugs! :))

Ang dilim ng kinabukasan sa ES 1.
Sabado (Malama… n. Malaman!)
Hell weeeek! Saya, sunod-sunod exams. May magsasabay pa! Buti nalang nacancel yung practicals ng CWTS sa Tuesday. Di pa ko marunong lumangoy eh. :)) Daming gagawin! Pero think positive. Unicorns! Rainbows! Magic everywhere! =))
Linggo (Ma… linam nam nam nam nam! Hahaha sorry wala na ko maisip.)
Looong weekend! Kailangan may magawa ako! Kahapon wala akong nagawa. Hahaha! Excused yon, may sakit eh. :)) Ngayon na ok ok na ko, kailangan may magawa ako! Kailangan! Kailangan! Wala na masabi. Paulit ulit nalang. Hahahaha! *ubo* =)) *singhot* :)) BYYYYYEEEEE! :)
Ang dali ng Math. Tama o Mali?
May nagtanong sa’kin sa Formspring, “Ang dali ng math. Tama o Mali?”
Sabi ko…
“Anak ng tinapa. Ngayon mo ‘ko tatanungin kung kelan malapit na 4th LE namin sa Math at konti pa lang naaaral ko. Alam mo ba kung gaano ako katagal umiyak noon dahil sa Math 17?! At kung gaano kastressful ang Math 53?! Kung gaano nakakaasar kasi ang dali dali nito para kay Paolo Joven. Hahahaha! Joke lang Pao. :)) Pero totoo na madali para sa kanya yung Math nila ngayon, Math 63. :P Okay.
Naiisip ko, paano kaya kung sa ibang prof kami napunta. Kung yung totoong prof namin yung prof namin ngayon. Guni-guni lang kasi namin si Sir Kennett Dela Rosa. Chos. Hahaha! Basta, magulo CRS eh. Di dapat sya yung prof namin. Pero okay na rin ako sa mahirap magpaexam kesa sa… Alam na. (For G6 and Julian. =)) )
Ano kaya kinabukasan ko sa Math? Magagamit ko ba to sa magiging trabaho ko. Malamang. :)) Paano kaya kung yung course ko, hindi kailangan ng Math? Wala pa kaming majors, pa’no pag meron na? Di pa nagsisimula sa’min ang Physics series, pa’no pag meron na? Bakit may kasunod na Math 54 at 55 pa? Bakit may ES 11, 12, 13? May sasagot, ‘Eh, di magshift ka!!!’ Ayoko nga. Ang hirap kaya. Hahaha! Para sa lahat na tulad ko, kakayanin natin to! :))
Sa sinasabi nilang 12% lang ng isang batch ang gumagraduate sa’min on time sa eng’g. I pray. Hahay. Sana po kasama ako sa 12%.”
Pero syempre di yan yung sinabi ko sa Formspring. Ang haba naman. :))
Kakayanin, sir!
Major major hellweek? Yehey! :( Hahay.
to-do list:

Parang hindi ko naman kaya sunorin yan ng sobra. Hahaha! Sana kayanin pa rin makapunta man lang sa SM. Sale ngayon diba? :P
Pag natapos na ‘tong week na ‘to, gagawa ulit ako ng isa pang to-do list. Yung heaven! :)) Nandun na yung Despicable Me, yung trip trip sa Mcdo/Jollibee >:), ang movie marathon na hindi matuloy-tuloy (laos na Inception, Dana. :)) ), kakain ako ng maraming Taisan o kaya Mango Cake sa Red Ribbon, tapos ano pa ba. Kala mo maraming pera, e. Hahahaha! Hayooon.
Good luck, sa’kin! :D Good luck, G6! :D
Halo-halo
Ayoko ng nasestress. Ayoko talaga. Paulit-ulit? Paulit-ulit? Hahaha! Wala lang. Nasestress ako. Inulit pa? :)) Wala namang may gusto ng ganun ‘di ba? :) Ang daming gagawin. Nauubos oras ko kakaisip kung ano gagawin ko. Charing. Haha! Tulooong.
“Tutulungan mo ba kami magbilang? … Bilangin natin ang mga bilbil ni Isel(?). Uno, dos, tres, kwatro. Si Isel ay may kwatrong bilbil.” Hahahaha! Naalala ko bigla si Doray. Nakakawala siya ng stress. Kilala mo si Doray? :D Panoorin mo siya -> *Click!
Si Doray ang inspiration namin na gumawa ng kalokohan kaso hindi matuloy-tuloy kasi busy. Huhu. Pero di naman lagi. Hindi lang nagkakatugma ang mga schedule namin. :P
Balik tayo…
Gumawa lang ako ng text post para magkwento. Yege, MMK.
Ang tagal na pala nung huli akong nagpost dito. Wala lang ulit. Haha! Kilala mo ba si Queen Jokeman? Hello, G6! :D Hahaha! G6 ang aking mahal na block. :) Civil Eng’g nga pala course ko. I’m 17 y/o. June 30 is my special day. Meganon?! Naging slam book? Hahaha! Binansagan ako sa block namin na Queen Jokeman dahil ano… hulaan mo. Haha! Ang hirap lang minsan kasi kahit seryoso ako, kala nila joke pa din. Pero ayos lang. Mahal ko naman sila. :”> Hihi. Arte? :))
Hayuuun. Kailangan ko lang ng konting pampachillax sa isipan. :P
Nga pala! Lapit na ng UPCAT. Good luck sa inyo! :) Kaya niyo yan! Wag na magreview! Walang matutulong yan. Hahaha! Biro lang. Mag-aral ng mabuti. :) Parang heaven yung feeling pag nakita mo yung pangalan mo sa results. Nakakaiyak yun, promise. Para sakin lang naman. Hehe. Basta, galingan niyo! Good luck! :D
Isigaw ng sabay sabay ang ating pagbaybay, hey! :D
Parang kailan lang kabadong kabado pa ko bumaba ng sasakyan namin papunta sa unang klase ko. Tapos ngayon.. Ganun pa rin. :D Haha! Joke lang, syempre. Halos mag-dadalawang linggo na din pala ako pumapasok (Parang ang tagal na ng dalawang linggo eh no). Sanay na din kahit pa’no, pero kanina nung PE namin tapos tinuro ulit yung mga cheer, kinilabutan pa din ako. Kahit ramdam na ramdam ko na ang pressure at sobrang antok sa pagbabasa ng napakaraming readings, hindi pa rin pumapasok sa utak ko ng bonggang bongga na college na pala ako. Meganon?! :))
Kinakabahan ako… Pano kung sobrang hirap? Pano kung… kung… (wala na pala maisip). Hahahaha! Basta! Ang hirap i-explain. Parang ang dami nang nagbago. Tulad nalang ng dati nakakapag-OL ako araw araw. Ngayon, hindi na. :P Ang hirap magadjust. Charing! :)) Nakatulong yung pagkakaron ng block namin na lahat talaga ng klase(maliban sa PE) magkakaklase kami. Nagkaro’n agad ng friends. :)
Nagkikita pa din kami ng mga Carmelians dun. Lalo nung first day na may concert! :D Sayang lang kulang kami nun.

(Picture galing kay Deo. :) )
Tapos minsan sabay sabay kakain o kaya uuwi. Masaya! :D Parang nakakawala sa kung saan bigla pag nagkita-kita na. Hahaha! Tulad kanina, naculture shock ata yung new friends ni Gabo samin nila Dana. :)) Basta, medyo “mahiyain” pa kasi ako sa mga blockmates ko kaya siguro ganun. :P
Hayuuun. Sana talaga kayanin ko. “Kaya ko ‘to!” Meganon ulit?! Hahaha! Good luck sa ating lahat! :)
Si Pinkaw
Sa lahat ng mga kwento na nabasa namin sa Pluma IV, yung kwento ni Pinkaw ang pinakanaaalala ko… Wala lang. Hahaha!
“Si Pinkaw” ay kwento ng isang baliw na ang pangalan ay Pinkaw. (Hindi naman masyadong obvious.) Maganda yun! Lalo nung inexplain pa ni Ginoo na lahat pala halos ng suot ni Pinkaw may ibig sabihin. Gusto mo ba mabasa storya ni Pinkaw? Eto oh -> *Click! :D
May mga natandaan ako sa itsura ni Pinkaw:
- Madungis.
- May karga siyang baby na lata pala ng biskwit.
- Pulang papel de hapon na nakatali sa isang binti.
- Nakakaladkad na lata.
- At siyempre yung korona niya.
Di ko na maalala yung iba. Para mas madali, eto nalang.

Nung last day ng 4th quarterly exams (4th year)…
Hey, kids! It’s time to meet and greet Pinkaw!

Joke lang. Hahaha! Corny ko. Wala kasi kaming ginagawa niyan eh. Di pa kami pinauwi after exams para sa class picture na naka-toga at practice ng play sa Filipino(ata?).
Antok na antok ako nung bumalik kami sa room. Pero nung naging hyper naman kung anu-ano ginawa. Kaya ang dami kong mukha dun sa isang album ng Affa sa Facebook. Hehe. Pasensiya na. ;)
Ginawa ko yang profile picture dati sa Facebook. Pero hindi masyadong matagal. Nagmessage kasi Mama ko. Nangamusta lang (wala kasi siya dito) tapos sabi palitan ko naman daw yung profile pic ko. Hahahaha. :D Bakit kaya?
Sulat
Dahil sa post ni Bang, hinanap ko yung mga notebook ko nung 3rd year at 4th year. Sabi kasi nila dun sa post, maganda naman daw yung sulat ko. Malay natin totoo pala. Hahaha! Tignan natin…
Notes ko sa AP nung 3rd yr:

Naiintindihan ko yan. :D Hehe
Next! Eto 4th year na. Physics. :))

Astig yung drawing no? Hahaha!
Pero hindi naman sa lahat ng panahon, ganyan ang sulat ko. (Naks, bumabawi.)

May nagbago ba? Syempre naman! (May flower sa gilid.) Maayos na yan para sa’kin. Ganyan pag medyo sinisipag ako. Hehe
Naalala ko tuloy dati pag may humihiram ng notes ko sasabihin ko na agad, “Uy, magulo yan ah. Baka ‘di mo maintindihan.” Madalas na sagot, “Okay lang yan!” Minsan, “Oo! Sanay na ko.” Pero pinakamatindi yung, “Sulat lalaki, ah!” Hahaha!
Sayang kasi hindi nauso sakin yung pagrerewrite. Siguro nga masipag ako magsulat pag may lesson. Pero sobrang tamad ako na ulitin pa yon. Hehe. Kahit gaano pa yun kagulo, basta naiintindihan ko, okay na. :) Lalo nung third year, hindi ko naiisip na may grade din nga pala yung notes. Nung 4th year ko lang naisipan gawin yun. Pero sa Eko notebook lang. Kailangan, eh.
Hi, T. Celine! Hahaha. :P
