Nicole Sarthou June 30 UP-D
Twitter Tumblr Ask Formspring OH, SNAP!
Tags: | Alam mo ba? | Kalokohan | Kwentong Buhay |
| Kwentong Bahay/Pamilya♥ | Movies | Picture | School |
  • Pa’no?

    Paano nga ba ayusin ‘to? Haha. Matagal-tagal na din akong may account dito pero ‘di pa rin ako marunong. Pagtingin lang ng mga blog ng iba ang nagagawa ko. Pero dahil may project sa Computer at sabi nila ay mas madali gumawa dito kaysa sa Multiply, ililipat ko nalang mga nagawa ko sa Multiply dito at dito ipagpapatuloy ang iba pa. Hahaha! Good luck sa’kin! Sana maayos ko na ‘to. :D

    #school  

  • 2 years ago
  • LATE NA ‘KO! na-late nga ba?

    Nawarningan na ‘ko ni T. Jesusa at ni S. Edwin dahil sa tardiness. Anim na yun.. Dalawa na lang, yari, suspended si Nikki. haha:D Naplano ko na yun eh. Kapag may isang araw na na-late na naman ako ng gising, di na ‘ko papasok. Mas okay na yun, kaysa naman masuspend ‘di ba? :D

    Nung January 25, 2010 (Birthday ni George tsaka Joven. haha), na-late nga ako ng gising. Mga 6:45 na nung nagising ako. Matagal kong pinag-isipan kung papasok pa ‘ko kasi siguradong late na ‘ko. Himala na kung makakarating pa ‘ko ng 7:00 sa school kung ‘di pa ko bumabangon nung mga oras na ‘yon. Pero dahil sa mga kadahilanang ‘di ko na matandaan, pumasok ako. Nung mga oras na yun, tinanggap ko na din na hindi na malayong mangyari na masuspend nga ako. Kasing bilis ko si Lightning McQueen:) gumalaw nun. ‘Di na ‘ko nag-almusal kaya naka-alis kami ng kuya ko sa bahay ng mga 7:15. Dumating kami sa school, mga 7:30 na siguro.

    Nakita ko na galing sa labas na sa mga 4th year na yung pinipirmahan ni Sir Edwin na handbook kaya nagmadali ako. Pagpasok ko, pumila na sila sa lobby, paakyat na. Eh di syempre, pila din ako. Hawak ko ‘yung handbook ko kasi nga magpapapirma pa ‘ko kay Sir Edwin. Tapos, nung nakapila na kami, pinaakyat na kami ni Sir Edwin at hindi niya siguro napansin na dumating ako kaya nakaligtas ako sa pagiging late. :D YEHEY! hahaha! Tawa ‘ko ng tawa nung paakyat kami. Ang ingay pa nila Shaun, sabi madaya daw kasi di ako nakita. Tapos nakita din ako ni Ruth nung nasa taas na kami. Grabe nga daw kasi di ako na-late. Sabi ko nalang na kailangan ko talaga yun dahil *tooot!* Sikreto. hahahaha! Ayun, pumasok na kami ni Ruth sa classroom at kinwento ko na ang mga pangyayari. Swerte nga naman. hahaha :D

    #school  

  • 2 years ago
  • NAKAKAGUTOM!

    lorenz0214:

    Nang makita ko ‘to, napa “WAAAAW!” ako. Parang yung pagWOW ko kahapon sa mga niluluto namin sa TLE. Lahat ng niluto ng bawat grupo natikman ko. Haha. Pag pumupunta ako sa mga table nila at nag “WAAAW!,” alam na nila ibig sabihin. Nanghihingi ako. Hahaha! MASARAP LAHAT. At ang galing-galing talaga ng presentation ng group number na hindi ko alam. Basta yung kina Juvy, Kaiser, at iba pa. Haha. May Bananapple Shake pa na masarap din! :D

    #school  

  • 2 years ago
    20Notes
  • Beep, beep, beep, manong drayber ng jeep.

    Sa isang blog ko na nangyari noong Jan. 25, sinwerte ako.

    Pero noong February 02, 2010…

    Isang malakas na “O, HINDI!!!” LATE AKO. Late na naman. :(
    Seven na ang late ko. ISA NA LANG! masususpend na ‘ko. Waaaa!
    Minalas eh. Aabot pa sana kami ni Ruth (nagkasabay kami nung umagang ‘yon) kung hindi lang maraming etchos na nangyari. Una, puno na karamihan ng mga jeep, late na din kasi nun e. Mga quarter to seven na nun. Tapos, nung may nasakyan na kaming jeep, nabangga naman yung jeep ng tricycle sa may bandang likod. Eh di nag-away  pa ng konti yung driver ng jeep at yung driver ng tricycle. Pero medyo lang naman. Dahil sa ayaw siguro ni manong driver ng jeep na magasgasan ang kanyang “baby,” bumaba pa siya para  tignan kung may galos si baby jeep. Mga 5 minutes din ang nasayang doon. Ayun, okay na. Nananalangin kami nun na sana talaga umabot pa kami at hindi ma-late. Nasa Amparo na kami mga bandang 6:57(may butal talaga)… Nang biglang naisipan ni manong drayber na magpa-gas. Dahil doon, nawalan na kami ng pag-asa. :(

    Pagdating sa school, ayun, late nga. Nagbaka-sakali pa kami ni Ruth na ma-excuse sa reason na nahirapan kami i-construct: “The jeepney broke down and it was hard for us to find another available one.” Pero dahil sa bad trip si Sir Edwin nang umagang yon, di kami na-excuse. AWW.

    #school  

  • 2 years ago
  • Ang mahal kong Affability :)
<3

    Ang mahal kong Affability :)

    <3

    #school  
    #picture  

  • 2 years ago
  • Nakita ko &#8216;to. Naalala ko, ang lapit na ng prom! haha :D

    Nakita ko ‘to. Naalala ko, ang lapit na ng prom! haha :D

    #picture  
    #school  

  • 2 years ago
  • Hahahahaha! Ngayon ko na lang ulit napanood ‘to. Natawa pa rin ako. Namiss ko yung CONTE. :)

    #school  

  • 2 years ago
  • Ang isang araw sa classroom :)

    Wala lang, gusto ko lang ikwento ang mga kadalasang nangyayari sa classroom ng Affa sa loob ng isang araw. :D

    Simulan natin sa flag ceremony(pag sa classroom lang). Papasok na si Sir Fil at pag pinatugtog na yung National Anthem, sasabihin nun “Everybody sing. To the fullest. Louder. Louder. Everybody, louder.” Tapos pag medyo nagagalit na, dun marami na talagang kakanta. Eh di ayun, English. Second subject, Eco. Dito na nagsisimulang maghanap ng laman ang tiyan ko. :D Sa seat plan nung 3rd quarter, si Gabo at Kaiser ang major suppliers ng foodtrip. Ngayong 4th, si Uri. Hahaha. Mga bandang AP talaga ko madalas kumain. Sssh! Iba-iba yun. May Sky Flakes, Magic Flakes(dabest ung cheese. Haha), Rebisco, Butter Cream(Eto favorite ko. hahaha) at kung anu-ano pa, depende sa baon nila. :D hahahaha! Nikki buraot. Salamat sa mga baon niyo. :)

    Next! MAPEH/CAT. Wala ako maisip. Haha:D magrecess na tayo. Pagdating ng 10:20, recess na! Yehey! Hanggang 10:40 lang yung recess pero si T. Farah, mga 10:45 - 10:50 na dadating. Math na. Pag uupo na kami, sasabihin nun, “On your proper seat. On your proper seat. Luis, balik ka sa upuan mo.” (Luis = Jake Cuenca. Hahaha!)

    Values na. Bilangin nalang natin dito yung dasal. :D Our Father, Psalm 63, Angelus, Fr. Palau, Bless Us O, Lord. Bale 5 prayers. Ay, meron pa pala bukod sa mga dasal. Araw-araw din yung “Who are the cleaners for the day?” tapos “Very good, ___.” (kung sino man ang naglinis. haha) Tapos, LUNCH NA. Tapos TLE, aayusin na namin yung room kasi baka magalit ulit si T.Ellaine dahil lagi nalang daw sabog yung classroom namin pag dumadating sya. Hehe.

    Sunod, Physics. Dito maraming nangyayari. Hahahaha!  Pagpasok ni Sir James, “Everybody stand. Let us pray. Prayer leader.” Pag pinasara niya yung mga pinto, ibig sabihin, wala kaming gagawin. Haha:D masaya din yun, nakakabili kami sa canteen minsan. Pag dating ng 3:00, sasabihin na niya, “Everybody stand up for the 3 O’clock prayer.” Minsan may pahabol, “Psst. Mamaya na yang kwentuhan, nagdadasal tayo.” Ang routine naman namin kadalasan sa isang linggo, 2 days na discussion. Next day, seatwork. Kinabukasan, quiz na. Paulit-ulit na ganun. Haha

    Last subject! Filipino. Paglabas ni Sir James, kukuha na agad ng mop para sa platform. May kasunduan kay Ginoo, eh. Tapos aayusin na yung mga upuan. Pag parating na sya may magsasabi “Andyan na siya, andyan na si Ginoo.” Tapos lahat kami parang matataranta na umayos sa mga pwesto. Madalas kaming kabado pag Filipino, di ma-explain kung bakit. Haha

    Ayuuun. Uwian na! Bukas, ganun ulit. Haha:D

    #school  

  • 2 years ago
  • Wahahahaha! Gabo, Gellie, Kaiser, Kei Ann! Eto na! :))
di ko pa rin malimutan yung &#8220;I feel so bobo right now&#8221; Hahahahahah!

    Wahahahaha! Gabo, Gellie, Kaiser, Kei Ann! Eto na! :))

    di ko pa rin malimutan yung “I feel so bobo right now” Hahahahahah!

    #school  

  • 2 years ago
    1643Notes
  • Kwento :D

    Nacheckan na kaya ni Sir Silver yung blog ko? Di ko man lang nadagdagan kagabi dahil sa pagtapos ng project namin sa Physics. Kala ko kasi kanina deadline na talaga e. Pwede pa pala bukas, pero ayos na din. At least tapos na. haha:D ayuuun.

    Magkkwento nalang ulit ako. Simula umaga! Haha

    Ang aga ko nagising kasi ang aga ko din nakatulog. Mga quarter to 4 nung nagising ako tapos nagmadali kasi nakatulog ako agad nung gabi nang hindi pa natatapos yung project namin. Kaya ayun, tinapos ko. Mga 5:30 ko na ata natapos yun. Tapos… Nagising na kuya ko. Nagluto siya kaya ang sarap ng almusal ko! Ang saya ng kain ko. Hahaha! Dahil sa masarap ang almusal, natagalan ako kumain. Mga 6 na ata ako natapos. Tapos nagcomputer pa ko. Humabol lang ng pagpost dito kasi nga ang konti pa lang ng napost ko, eh checheckan na daw. Tapos hayuuun, naligo. Nakaalis ako sa bahay mga magqquarter to 7 na. Bongga! Kinabahan na ko nun kung male-late ako tapos pinlano ko na kung pano gagawin ko pag nakita kong late na. Siyempre uuwi na ko nun kung ganun nga mangyari, kasi nga masususpend na ko pag na-late pa ko ng isang beses. Hahaha :D pero ayun, hindi ako na-late. YES!! kahit na-traffic pa sa bandang Dela Costa dahil sa may nagbanggaan na kotse tsaka yung motor na tumaob at pinagtawanan pa ng lokong manong drayber.

    Next! Pagpasok ko sa school, deretso na sa quad. Tapos flag ceremony, tapos may program, tapos umakyat na kami. Nagdiscuss sa Eko at siyempre, oras ng “early break” yun sa pwesto namin. Hahahaha! Salamat sa Sky Flakes ni Uri, at Caramel Bar ni Karen kanina. :D Tapos, CAT, Bday ni Sir Jon. Wala kami ginawa. Tapos recess :D tapos Math na. Ilan kaya ako sa quiz? Nakakaasar yung lesson na yun. Buti na lang algebra na daw bukas sabi ni T.Farah. :D Tapos Values na… Ano nga ba ginawa namin kanina? Nagreport ang group nila Bang at Paolo. Tapos lunch. Tapos quiz sa TLE. Tapos Physics, discussion at pagtapos ng discussion ay kwentuhan kami ng mga dun sa pwesto namin. Haha:D tawa ko ng tawa lalo kila Mark tsaka Carlo. Grabe mantrip, eh. :)) Tapos Filipino, discussion ulit. Tapos na yung El Fili. Lokong Simoun, nagpakamatay. Nung may natira pa sa time namin kay Ginoo, pinanood nya kami ng mga videos at slideshows na magaganda. :D

    Tapos uwian na! Yehey! PERO, may practice pa ng cotillion. At dito may nakakahiyang pangyayari. :| Wahahaha!

    Madalas naman talaga ako nagkakamali sa cotillion. Pero yung kanina, medyo matindi. May step kasi dun na tatalon tapos para nang magkakapalit kayo ng pwesto ng partner mo. Eh sabi ni T.Pam dun na daw sa talon. Pag bilang nya ng 1,2… Tumalon si ako! Pagtingin ko ako lang pala tumalon. WAW! Hahahahaha! Nakakahiya yun dahil yung mga nasa likod namin, kitang kita ang mga pangyayari at tawa ng tawa ang partner ko. Hahahaha! matagal tagal din bago ko naka get over dun. Tapos ayuuun. Uwian na talaga :D

    Ang saya kanina nung naglakad kami nila Makk, Rose, Lea, Audz at si Rizza sa Sacre. Tawa ng tawa tapos grabe maka ano. yung ano. hahahaha! Sikreto. Hayuuun. Tapos umuwi na kami :D Tapos na :D hahaha

    #school  

  • 2 years ago